Kung oo, malamang makakarelate ka sa mga sasabihin ko...
Kamusta ka naman ma'am/sir?
Ano staff na ba or malamang sa hindi, VN ang position mo?
Ganun naman dito sa Pilipinas,
Kung kakagraduate mo lang, kahit licensed ka pa...
VN ang bagsak mo kung wala kang kakilala.
Alam mo na, malakas na backer sa ospital HAHA.
Diba nga, sa Pinas, it's not what you know, it's who you know.
Kung staff ka agad, swerte mo dude, nice..pero hula ko sa province yan noh?
Or tita mo nasa admin or may mataaas ng position. HAHA.
Ang poblema kasi, nakakahiya din sa magulang namin. Pagkatapos nilang magbayad ng bonggang tuition fee na hinihingi ng schools plus additional paraphernalia e eto nanaman, kahit graduate ka na at licensed andami pa ding bayarin. At ikaw, wala pa ding sweldong maaabot sa knila...
Kung anong saya mo ng graduate ka na at licensed ka na, naturingang professional e sya namang lugmok mo pag tatanungin ka ng experience tuwing magaapply ka. Kamusta naman ung tatanungin ka ng experience tapos kung kukunin ka ng mga hospital, VOLUNTEER NURSE. Kung sa government/public hospital ka magwowork ang karaniwang scenario syempre ay backer system, mas mataas ang position at power ng referral mo, mas may chance ka, yung iba nga kahit di na nasusunod ang SOP na exam at duty e, pasok agad. Karaniwan naman sa private hospital, exploitation, kamusta naman ung ikaw na nga nagseserbisyo para sa knila e ikaw pa magbabayad. Ang nakakaloka pa, kung ano ano pang sinisingil nila na kesyo kailangan daw ng ganito ganyan pero halata namang pra lang kumita sila.
Nakakainis dba? Paano ba nangyari to sa profession natin?
Swerte yung mga nauna noon e, anlaki ng difference ng requirement at situation nyo noon sa amin ngayon kaya malamang hindi nyo naranasan mainis ng ganito.
Nagsimula ata ng nagboom ang nursing few years ago. Ayun ang mga nursing schools nagsulputan, kahit walang mga quality at standards para lang kumita. Yan ang unang unang naging dahilang ng surplus ng nurses. Masama pa, kahit walang quality teaching and tanggap lang ng tanggap ng unending enrollees para lang sa kanilang school profit. Tsk
And because of the said surplus ayan naman ang mga private hospitals, syempre free man power nga naman kung may mga volunteer nurse, kesa magsweldo sila ng mga tao dba.
Sinasabi ng iba natuto naman daw sa kanila, bakit ng student ba dba un ang panahon pra mtuto, pg kgraduate application and time to earn. Anyare, dahil sa bargain. Ayun ung iba, walang quality magtrabaho dahil na din sa mga schools na gusto lang kumita at nagtayo ng nursing schools. Kaya ang mga hospital naman sinamantala din, sabihin experience din daw. Bakit sa ibang profession, you work, you learn and you earn as a real professional.
Eh sa ating bansa?
May care nga tayo sa work natin pero ang society ba pinapahalagahan tayo bilang mga nurses na professional?
Now tell me, masisisi nyo ba kung gusto umalis ng mga nurses dito?
Kung minsan nakakasisi nagtake pa tayo ng nursing. *sigh*
May care nga tayo sa work natin pero ang society ba pinapahalagahan tayo bilang mga nurses na professional?
Now tell me, masisisi nyo ba kung gusto umalis ng mga nurses dito?
Kung minsan nakakasisi nagtake pa tayo ng nursing. *sigh*
And may I add, yung mga project na RN heals ng DOH, sus, mga kakilala lang din ng mga namamahala pinapasok nila e.
Mag project sana kayo para sa buong bansa di para sa inyo inyo lang din.
Mag project sana kayo para sa buong bansa di para sa inyo inyo lang din.
Minsan nga kahit staff ka na, lugi ka pa sa pagod, wala pa sa reklamo ng pasyente at doktor at minsan dagdag sakit pa sa brains ang mga seniors na bully.
Yung mga nagsasabi na "call center nalang o lang" ending nya. Nako di nyo sila masisisi. Kayo kaya, syempre sa call center malaki pa sweldo mo, di pa ganon kabigat ang work.
Saka pls lang di naman din ganon kadali makapasok sa call centers (well still depende sa company pero overall it's not that easy c'mon).
Saka pls lang di naman din ganon kadali makapasok sa call centers (well still depende sa company pero overall it's not that easy c'mon).
Ikaw, Pinoy RN ka ba? Anong year ka nagsimula?
May story ka ba?
Share your experiences and idea...
Tayo tayo nalang din colleagues ang higit na magkakaintindihan...
Ganon pa man...SMILE! Registered Nurses tayo e, toxic man, keri lang 'yan! :)
Ganon pa man...SMILE! Registered Nurses tayo e, toxic man, keri lang 'yan! :)
No comments:
Post a Comment